Ang unang Holiday Inn sa Cebu City ay magkakaroon ng 180 guest rooms na dinisenyo para sa mga business travellers.
Mabilis ang pag-asenso ng Cebu at patungo na ito sa pagiging top information and communications technology destination sa Southeast Asia. At upang matugunan ang pangangailangan para sa mga internationally recognised accommodation, inanunsiyo ng InterContinental Hotels Group (IHG) ang kanilang proyekto kasama ang The Erawan Group Public Company.
Ang bagong 180-room Holiday Inn Cebu City ay inaasahang magbubukas bago matapos ang 2020. Matatagpuan ito sa Samar Loop sa gitna ng Cebu Business Park, at magiging maginhawa itong puntahan para sa mga international at regional business travellers.
Kasama ang mga multinational na kumpanya mula sa business process outsourcing at iba pa, ang parke ay naglalaman ng mga lokal at dayuhang institusyong pinansyal, pati na rin ang mga sikat na libangan tulad ng 9-hectare na Ayala Center Cebu shopping mall na mayroong 60,000 na bisita araw-araw.
Ang developer nito na The Erawan Group Public Company ay isang matatag na kumpanya na nagpapatakbo ng 52 hotels sa Thailand at Southeast Asia, tulad ng Holiday Inn Pattaya.
Magtatampok ang Holiday Inn Cebu City ng mga pasilidad sa pagpupulong, fitness center, swimming pool, all-day dining restaurant at bar, pati na rin ang programang ‘Kids Stay & Eat Free’ na nag-aalok ng libreng pananatili at pagkain para sa mga batang wala pang 12-anyos.
Kasalukuyang may 1,199 na mga hotel ang Holiday Inn (higit sa 220,500 kuwarto) sa buong mundo, at may itatayo pang 262 sa loob ng tatlo hanggang limang taon.